Chapter 1


Pawis na pawis at humihingal akong nagtungo sa study room, nandun daw si Papa sabi ng kasambahay pagdating ko. Grabe, hindi man lang ako pinagpahinga dahil pinadiretso agad ako. Kumatok muna ako ng tatlong bagsak saka pumasok. Nabungaran ko si Papa na may tinitingnang kulay silver na maliit na papel, parang 4R lang ang size.

“Pa. Andito na po ako.”
Saka lang sya nagtaas ng paningin. Nakakatakot talaga syang maningin.
“Maupo ka dito Faith,” itinuro nya ang itim na single sofa na nasa harap ng table nya. Halos bumaluktot ng sobra ang tuhod ko dahil sa takot. Ganito ako lagi pag kaharap ko sya. Pagkaupo ko ay agad syang nagsalita.
“Kelan nga ang graduation nyo Faith?”
“April 9 po Papa.”
“April 13, third day pagka-graduate mo ay pupunta ka ng Korea para makilala mo ang  mapapangasawa mo. Bukas ay ipapa-book ko na ang flight mo at ang titirhan mo dun. Susunod ako para bisitahin ka pero uuwi agad ako dahil hindi ko pwedeng iwan ng matagal ang mga negosyo natin. At dun na rin yata kayo magpapakasal.” Tuloy-tuloy at walang gatol na sabi sakin ni Papa.
“Agad-agad Papa? Tatlong araw lang pagkagraduate ko tapos ipapatapon mo na ko sa kung sinumang sakang na Koreano?” Halos mangiyak-ngiyak kong sabi sa kanya. Ano ba ko, robot o puppet? Kokontrolin nya lang ako?
“Ang talagang balak ko nga ay kinabukasan pagka-graduate mo pero nilawigan ko na kaya naging tatlong araw. At hindi kita ipapatapon sa Korea, nandun ang mapapangasawa mo kaya ka pupunta dun. Hindi ba’t napag-usapan na natin ‘to noon pa?” Tanong ang sinabi nya pero parang nagdidikta ang tono ng pananalita ni Papa.
“Napag-usapan nga natin yun pero wala kang sinabing magpapakasal na agad ako!”
“Then I’ll give you a month to prepare things and yourself.”
“Is this just for the sake of your business Papa? If this is, then I’m not part of your business. Para mo naman akong binebenta!” Kailangan kong maging matapang at sumagot, baka sakaling pakinggan ako ni Papa, at hindi nalang sya ang laging nasusunod.
“You’re my child and not a business, but you are my property because I am your father. Magpapakasal ka sa kanya a month after your graduation. Hindi kita binebenta Faith.” May diin ang bawat salitang binibitiwan nya, lalong nanginig ang tuhod ko kasabay ng paggaralgal ng boses ko. Isang paraan ang naisip ko para hindi ako mapunta sa Koreanong sakang na hindi ko manlang kilala kung sino.
“Dad listen. I have… I… I have a boyfriend.” And I said it, my only hope.
“What?!” Pakiramdam ko ay kumulog sa loob ng study room na yun dahil sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ni Papa.
“I have a boyfriend. I can’t marry that man you want for me.”
Nakita kong nagkuyom ang kamao nya pagkaulit ko sa sinabi ko, nagtiim rin ang bagang nya, at lalong sumingkit ang pares ng mata nya.
“I won’t allow that Faith. You know the rules. You cannot have a boyfriend. you won’t marry that bastard of yours.”

Pagkasabi nya ay lumabas agad sya ng kwartong yun at naiwan akong tahimik na umiiyak. Kamoteng buhay ‘to. Akala ko porque mayaman kami ay hindi ko mararanasang maikompromiso ng sariling ama sa isang lalaki, at pilit akong ipapakasal dun. Hindi naman kami naghihirap pero bakit ba gustong-gusto nya akong ipakasal agad? Wala naman kaming utang, hindi naman palubog ang mga negosyo pero bakit ganito?! I need answers!

Hindi ko man lang pinahid ang luhang nasa pisngi ko paglabas ko ng study room. Pumunta ako sa kwarto ko at nagmukmok. Hindi na ako kumain pa ng hapunan.

Alas onse y media, naalimpungatan ako dahil sa malakas na pag-ring at paulit-ulit na vibration ng cellphone ko na nasa bedside table, tumatawag si Andeng. Sinagot ko naman.

“Ooohhhh?”
“Napakapangit mong pakinggan Faith, para kang nagmimilagro ah.” Reklamo nya sa kabilang linya.
“Tsk. Bakit ba?”
“Grabe, parang hindi bestfriend kung makatanong.”
“Dalian mo na, ano ba yun? Matutulog pa ulit ako.”
“Eh kasi si Kelvin, kinukulit ako na tanungin ka tungkol dun sa problema mo, ayaw nya kong tigilan.” Mabilis na sabi ni Andeng na para syang hinahabol ng pitong kabayo.
“Yun lang? Tsk, sabihin mo sa kanya, wala akong problema.”
“Eh Faith, pakiramdam ko rin kasi meron kang pinoproblema. Hindi lang ganda problems.” Parang nawala bigla lahat ng antok sa katawan ko, concern ba silang dalawa sakin? At ganun na ba talaga kahalata na may pinoproblema  ako? “Wala akong problema, don’t worry, najejebs lang talaga ako kanina, okay?” Hindi nila pwedeng malaman, hindi pa panahon. Kahit gustong-gusto ko nang sabihin kay Andeng ay pinipigilan ko pa rin ang sarili ko.
“Sigurado ka ba?”
“Oo, matulog ka na at matutulog na rin ako, at sabihin mo jan kay Kelvin na lagot sya sakin bukas. Chismoso talaga yun.”
“Oh sige.”
“Adios na.”
“Bye din.”

Binalik ko ang cellphone ko sa kinapapatungan nito kanina. Naisip ko si Andeng, kapag umalis ako papuntang Korea after graduation, malulungkot sya, pwede rin syang magalit dahil hindi ko agad sinabi sa kanya. Pero mas malaking problema kapag hindi ako nagkaroon ng boyfriend. Ayokong pumunta sa Korea para lang magpakasal sa hindi ko naman kilala.

Bumangon ako at nagbukas ng ilaw. Gagawa ako ng listahan ng mga possible candidates na maging boyfriend ko, kahit fake lang at without feelings, wag lang akong matuloy sa lugar na yun.

Hawak ko na ang ballpen at ang notebook kong binalutan ng lagayan ng pandesal at pinatuyong Malaysian Mums habang bumubulong-bulong ng mga pangalan.

Parang checklist ang ginagawa ko, may box na lagayan ng ekis o tsek bago ang pangalan.

“Charles, Captain ng basketball team.”
“Andrew, University Supreme Student President.”
“Jasper, Vice President ng Student Council.”
“Ian, Mr. URS 2014.”
“Kurt, Class Pressident.”
“Brent, son of the Municipal Mayor.”
“Carl, editor-in-cheif ng Legasya.”
“June, Gold Medalist nung ICam.”
“Miguel, Mr. URS 2013.”
“Nico, Title Holder ng Ginoong Agham.”
“Sino pa ba? Kim Jong In, bias ko sa EXO.”
“D.O. bias wrecker ko sa EXO.”
“Baby V ng BTS, bias ko rin.”
“J-Hope, una kong bias sa BTS.”
“G-Dragon.”
“Lee Min Ho.”
“Tama na siguro to, bagay naman ako sa kanilang lahat eh.”

Tiningnan ko ang oras, five minutes before twelve. Kailangan ko nang matulog, maaga nanaman kami bukas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s