Prologue


“Isang buwan nalang at gagraduate na ako ng kolehiyo pero wala pa rin akong matinong love life! Puro nalang mga tao sa TV ang natitipuhan ko. Sila lang ang mga nagiging boyfriend ko pero hindi naman nila alam na boyfriend ko sila. Sa Kpop idols nalang ba ako mangangarap? Aish! Gusto ko nang maiyak at gumulong-gulong!”

“Palagi ko nalang iniisip kung bakit kaya wala pang nagkakagusto o kahit nagkakamali man lang sakin. Hindi naman ako pangit eh, medyo maputi naman ako, wala akong mga pinipig at barya sa balat, matangos ang ilong ko, maitim at baksak ang lampas balikat kong buhok, 5’2 naman ang height ko, may korte ang katawan ko, hindi ako chubby, hindi rin ako candidate ng nutrition month, parang ulan ang dalawang mata ko, mabango ang hininga ko, wala akong kahit anong putok o kahit anong power sa kilikili, wala akong kalyo at higit sa lahat, maganda ang boses ko. Pero bakit walang nanliligaw sakin? Magbebente na rin ako sa isang buwan, magdadalawang dekada na akong nabubuhay sa mundong ibabaw pero bakit walang pagibig? Maganda naman ako pero bakit ganon?!”

“Aray naman!” May kumaltok sa ulo ko.
“Aba naman Faith, baka naman madaganan ka na ng bangko mo nyan sa sobrang taas ng pagbubuhat mo?”
“Kamote ka naman Andeng! Totoo naman yung mga sinabi ko eh,” ansakit ng pagkakakaltok nya sakin ha.
“Eh kasi, para kang naglilitanya tungkol sa kagandahan mo, pero wala ka pa ring boyfriend. At ang pangalan ko ay ‘Andrea’, hindi ‘Andeng’ hane?”
“Sus naman, apat na taon na kitang tinatawag na Andeng, tapos nagrereklamo ka pa rin? Tsktsk.”
“Hay naku, kumain ka na nga lang at hayaan mo nalang na dumating ang lovelife mo.”
“Kamoteeeeeeeee!” Napasigaw ako dahil sa inis na nararamdaman ko, hindi kay Andeng pero dahil sa sitwasyon ko. Kung alam nyo lang kung bakit gustong-gusto ko nang magkaroon ng boyfriend.
“Wag ka namang maingay aba, nasa food court tayo oh?”

Nanahimik nalang ako at kumain. Pero hindi pa rin nawala sa isip ko ang problema ko. Bakit ba naman kasi niligawan ni Martin si Kouleen? Nakakainis, mas maganda ako dun pero hindi ako ang niligawan, edi sana, wala akong prblema ngayon kung magkakaboyfriend na agad ako. Kakayamot talaga.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa Laboratory dahil mag-a alas dos na, Genetics na ang subject namin at hanggang alas sais y media na kami rito. Favorite subject ko ‘to at ang topic namin ay nasa mga hereditary diseases na. Tahimik lang akong nakikinig sa professor ko, wala akong ganang sumagot ngayon sa klase dahil sa problemang hindi lumulubay sa utak ko, naka-mighty bong yata ang mga salitang FIND A BOYFRIEND sa cerebellum ko!

Alas tres.
Alas quatro.
Alas sinco.

Ni hindi manlang tumigil sa pagsasalita ang professor ko, samantalang halos lahat kami ng mga estudyante nya ay gusto nang hilahin ang kamay ng orasan para maging ala sais y media.

Maya-maya ay may kumatok na professor, si Sir Tia.

“Excuse lang mga anak ha.” Dali-daling lumabas si Ma’am Antazo para kausapin si Sir Tia.

“Faith, bakit parang tamad na tamad ka? Hindi ka nagrerecite. Ako tuloy natawag ni Ma’am kanina.” Sabi ni Kelvin, ang mahiyain kong classmate.
“Basta, tinatamad ako,” matamlay kong sagot sa kanya, kahit yata sumagot sa tanong nya ay tinatamad ako.
“May problema ka ba?”
“Oo, ang kagandahan ko ang problema ko.”
Nagsalubong ang kilay nya. “Maganda ka na nga eh pinuproblema mo pa? Sus. Baka naman najejebs ka lang?”
Inirapan ko nga sya. “Huy, kung najejebs ako, kanina ko pa ginawa dahil may hide-out naman ako dito sa skwelahan ano. Kainis ka.” Hinampas ko sya ng mahina sa braso.
“Eto naman, pinapatawa ka na nga eh, nanghahampas ka pa.”
Biglang sumulpot si Andeng sa pagitan naming dalawa ni Kelvin.
“Naku Kelvinito, wag mo nang asarin si Faith at kanina pa nababadtrip yan, baka mabugbog ka lang.”
“Eh ano nga bang dahilan bakit ganyan si Faith?” Kay Andeng sya nakatingin.
“Kasi walang boyfriend, eh halos sabihin na nyang almost perfect sya pero wala pa ring nanliligaw, kaya ayan, mukhang naiistress.”
“Ako nalang kaya manligaw sa kan-” Di ko na sya pinatapos at hinampas ko na sya sa ulo ng notebook kong malapad.
“Anong ikaw? Utut mo oy!”
“Joke lang naman,” aamba pa sana ako pero pumasok na ulit si Ma’am Antazo sa classroom at nagsimula nanaman syang magdiscuss.

Nag-overtime pa kami ng fifteen minutes bago nya kami sinabihan na pwede nang umuwi. Hindi na ako naghintay pa ng makakasabay sa paglalakad, lumabas na agad ako ng room. Kahit nakakatakot maglakad sa medyo madilim na pasilyo ay nagtuloy at nagmadali ako sa paglakad. Halos takbuhin ko na dahil sa takot. Nakahinga ako nang maluwag nang marating ko ang quadrangle, maliwananag at hindi kulob. Matulin pa rin ako sa paglakad dahil talagang nagmamadali na akong makauwi. Nagtext kasi sakin si papa na umuwi daw agad ako dahil may importante daw syang sasabihin.
Palagay ko ay tungkol nanaman yun sa probleman ko. Kamote talaga. Boyfriend please!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s